Liedtexte
[Verse 1]
Sa mga palihim mong tingin,
may halo palang kinikimkim,
hindi ko akalaing ika'y may sasabihin,
sa iba mong kilos na di ko mawari,
nakakausap naman kita palagi,
lahat naman sinasabi, wala akong tinatago
baka ikaw nga ang mayroon,
basta alam ko sa sarili ko
[Pre-Chorus]
Akala ko kasi ay hihintayin,
ayun pala mayroon ka pang ibang nilihim,
sa tingin mo ba hindi ko malalaman,
alam kong may iba ka na,
[Chorus]
Sa pagkakataong hindi ka naging totoo,
huwag mo sanang sayangin lahat,
minahal ka naman ng totoo,
ngunit bakit hindi ka nakuntento,
iniisip ko nalang, hindi ka mapag-isa,
gusto mo palaging may kasama,
hindi ka mapakali kung wala kang katabi,
sadyang may lihim na di masabi
[Verse 2]
sino bang niloloko mo,
ako ba o ang sarili mo,
hindi naman ako galit na umalis ka,
tinanggap ko lahat ng sakit at pait,
sadyang naawa lang ako sa'yo,
hindi ka na ba mag-babago,
akala ko pa naman ika'y totoo,
ayun pala ako'y iyong niloko
[Pre-Chorus]
Akala ko kasi ay hihintayin,
ayun pala mayroon ka pang ibang nilihim,
sa tingin mo ba hindi ko malalaman,
alam kong may iba ka na,
[Chorus]
Sa pagkakataong hindi ka naging totoo,
huwag mo sanang sayangin lahat,
minahal ka naman ng totoo,
ngunit bakit hindi ka nakuntento,
iniisip ko nalang, hindi ka mapag-isa,
gusto mo palaging may kasama,
hindi ka mapakali kung wala kang katabi,
sadyang may lihim na di masabi
[Bridge]
magtatanga-tangahan na ba tayo,
hindi naman tayo baliw para ituloy pa,
ikaw lang ang nagpumilit,
hindi ko naman talaga ginusto,
[Outro]
Nagpapasalamat nalang ako at ika'y umalis,
dahil hindi na rin kita matitiis,
sa mga bagay na ginawa mo,
hindi kita maiisipang balikan pa
Musikstil
Generate a slow rock love song. Make it a man feeling anger and yearning. Add a piano, violin, cello, electric guitar, drum and bass for the instrumental.