AI 노래 생성기 가사 생성기 가격 내 노래

Oh anu na

Song generated By ✨Song.do

Song Cover
v1

@ Infinix Note

2026-02-26 08:38:16

가사

Yeah yeah
Heat men on... The. Beat
Ah
Ah


O ayan na mga boss, in-impeach na ng House of Representatives ngayong araw si BP Sara Duterte. O bakit si Sara lang ang in-impeach? Kung ang habol nyo ay panagutin lahat ng kurakot, lahat ng may confidential funds, dapat investigahan at panagutin nyo lahat. Umpisahan nyo sa Office of the President na may pinakamalaking confidential funds. Isunod nyo yung Kongreso, yung Senado, at lahat ng mga ahensya ng gobyerno na gumagamit ng confidential funds. Investigahan nyo rin yung pananarantado sa 2025 National Budget, yung pag-zero sa budget ng PhilHealth, yung paglalagay ng bilyong-bilyong pondo sa ACAP, yung daang bilyong piso na nilagay sa DPWH infrastructure projects, lalo na yung mga flood control projects na yan. Lahat yan ay dapat investigahan at panagutin kung seryoso talaga kayo. Diyan sa usapin ng pagsugpo sa korupsyon. Huwag kayong mamili, pati sarili nyo, imbestigahan nyo. Matanong ko nga kayong mga congressman kayo at mga politiko, bakit ba apurang-apura kayo sa impeachment? Eh hindi naman yan ang issue ng mga manggagawa at ordinaryong Pilipino. Sa National Concern Survey, ang issue na... ng mga manggagawa at ordinaryong Pilipino ay yung patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin, mababang sweldo, kasiguruhan sa trabaho, matiyak na merong pagkain sa mesa, at pagtitiyak na merong maasahang healthcare services. Yan ang issue ng... ng mga manggagawa at ordinaryong Pilipino. Hindi ang impeachment at pag-aawayan niyong mga politiko. Habang nagtuturoan kayo kung sino sa inyo yung mas kurap, yung mga manggagawa at ordinaryong Pilipino ay patuloy na nagihirap. Patuloy na nagugutom, walang tirahan, walang akses sa healthcare services. Putang ina nyo kayong tatlong daang congressman kayo. Taong bayan, mga manggagawa ang nagpapalamon at gumagastos dyan sa pag-aawayan ninyo. Kaya kung impeachment lang din ang pag-uusapan, puta, i-impeach natin lahat. Lahat kayo pare-parehas na mga kurakot.

음악 스타일

Tagalog rap, rap song gansta, anger Male voice, male group, Aggressive, Dark