Gerador de música com IA Gerador de letras Removedor de voz Preços Minhas músicas

Taglay mo Ang Pananampalatayang Galing sa Dios Ama

Song generated By ✨Song.do

Song Cover
v1

@ Eliana mae Calcaben

2026-09-09 21:46:02

Letras

INTRO

(Lead Guitar, Keyboard, Piano, Viola)

Oooohhh... woooohhh... ooooohhhh...

VERSE 1

Kapatid

Nakikita sa'yong mga mata,
Mayro'ng problemang... bigat ay dala.
Pilitin mang 'di maipakita,
Nadarama'y 'di maitatago,
Pagod mong isip, may mga balisa.

Aming dalangin, maibsan at malunasan
Luha't sak.it na 'yong nararanasan.

VERSE 2

Ano mang hirap ang pinagdaraanan,
'Wag kang sumuko.
May awa ang Dios,
Karamay mo kami.

Bawat bigat na pasan ay gagaan.
Tulong-tulong tayo sa mabubuting gawa.

Ano mang suliranin ang da.na.sin
Tayo'y naha-handang magtiis
Dahil sa mga hirap ni Kristo,
Tayo'y magtatagumpay...

PRE-CHORUS

Kung nagkukulang man sa 'yong tungkulin,
'Wag kang mapagod, makipagkaisa.
Aral, katwiran, laging isabuhay.

CHORUS

Bawat pagsubok, parang 'di makakaya,
Bumangon ka kapag nadarapa.
Bawat laban, tila susuko na,
Nguni't taglay mo ang
Pananampalatayang galing sa Dios Ama.

VERSE 3

Kami ay nangangambang
Baka mapawalay ka.
Kung 'di ka magpapatuloy,
Saan ka pa patutungo?

Sa magulong mundo'y mapanganib,
Kublihan ng tao'y mga kalayawan.
Tunay na buhay, 'di nila alintana.

Nguni't tayo'y mga Hinirang ng Dios...
May pag-asa, payapa ang puso,
Dahil sa pag-ibig, laging nagkakaisa...

INSTRUMENTAL

(Keyboard, Violin, Electric Guitar)

CHORUS

Bawat pagsubok, parang 'di makakaya,
Bumangon ka kapag nadarapa.
Bawat laban, tila susuko na,
Nguni't taglay mo ang
Pananampalatayang galing sa Dios Ama.

BRIDGE

'Di ka nag-iisa, si Kristo ang kasama.
Nguni't walang magagawa
Kung hiwalay sa Kanya.

Buhay, kalakasan,
Lahat mong tinataglay,
Galing sa Dios Ama...

Maglingkod nang masaya,
'Di ka Niya pababayaan.
Huwag mo Siyang iiwanan.

FINAL CHORUS

Bawat pagsubok, parang 'di makakaya,
Bumangon ka... kapag nadarapa.
(Bumangon kaaaaaaaaaaaa!)

Bawat laban, tila susuko na.
(Lumaban kaaaaaaaaaaaa!)

Nguni't taglay mo ang
Pananampalatayang galing sa Dios Ama.

OUTRO

Oooohhh... woooohhh... ooooohhhh...

Estilo de Música

Alternative, Slow Rock, Vocals, Harmonized Vocals, Vocal Effects, Emotional BridgePart, Soft Drums